September 20th, 2007
katangahan ay huwag tularan
sa kagustuhan kong makatipid.. di ako sumakay sa shuttle..
magcompute tayo (galing sa bahay):
lakad papuntang main road - libre
jeep papuntang BF sa shuttle terminal - 7 pesos
shuttle papuntang Waltermart - 45 pesos
jeep papuntang office - 7 pesos
total - 59 pesos
kaya napaisip ako.. hhmmm.. ang layo ng parañaque!
so instead of shuttle.. FX na lang.. di singmahal at di singsafe.
compute ulit:
lakad papuntang main road - libre
FX papuntang Buendia - 25 pesos
bus papuntang office - 10 pesos
total: 35 pesos
kitams.. masmura nga!
pero kanina.. hindi ako nagshuttle, FX para makamura sang (japanese for makamura)! hehehe.
ang ginawa ko.. nagFX at hindi ako sa corner ng buendia bumaba.. sa Coastal Mall kasi tinatamad akong maglakad.. ang mali ko lang Ayala Ilalim ang nasakyan kong bus. tanga! bumaba ako nga MRT.. nagMRT, at sumakay ng jeep at grabe ang init! ayaw ko ng mainit.. badtrip talaga!
compute tayo ng katangahan ko:
lakad papuntang main road - libre
FX papuntang coastal road - 20 pesos
bus na Ayala Ilalim papuntang MRT (ang tanga-tanga ko talaga!) - 8 pesos
Taft Station papuntang Ayala Station (MRT) - 11 pesos
jeep papuntang office - 7 pesos
katangahan - priceless
total - 46 pesos
wag po akong tularan