April 10th, 2007
Viable, Universal, Equitable and World-class service.
Ang mga ID na pwedeng gamitin kung kukuha ng SSS digitized id:
Kahit ano sa mga susunod:
- Passport (wala ako nito)
- PRC Card (ano ito?!?)
- Seaman's Book (di nga akong marunong lumangoy e!)
- Unexpired Driver's License (gusto ko nga magkaroon nito.)
Mga kailangan kasi wala ako ng mga nasa taas:
- Company ID at Health Card
- Pasensya, hindi yong pagkain ha.. pero ayos din na magdala ng pagkain kasi gugutumin ka sa haba ng pila. (Please bear with us because our system is slow.. parang matagal ng nakapaskil ang sign na to, nangingitim na e.) Isa lang ang counter kahit na gano kadami ang tao.
- Libro o kahit na anong mababasa (ang haba kasi talaga ng pila!).
- Fully charged na cellphone na may MP3's (maiinip ka talaga kasi).
Dapat wala kang pasok, magleave o magabsent ka kasi dawala't kalahating oras ka pipila. Nakakainis pa ang ibang empleyado kasi nagliligawan at nagkukulitan lang sila.
At meron palang temporary SSS ID number! Magaling magaling. Kailangan ko pa raw pumila ulit para malipat ang file at tsaka ako pumila sa pinilahan ko.
Walang nagyari.. wala.. wala!


